LOOK | City Mayor Pacquiao dumalo sa Serbisyong Heneral
GENERAL SANTOS CITY โ Walang pinapalampas na Serbisyong Heneral si Mayor Lorelie G. Pacquiao. Sinisigurado niya na naririnig niya ang mga hinaing ng ating Barangay and Purok Officials. Ang Mayor's Hour ay isang bukas na plataporma upang maaksyunan ang mga concerns ng ating komunidad. Barangay ang BIDA, Serbisyong kaka-IBA! #SerbisyongHeneralSaBula #DitoIBAKa
General Santos City Mayor Lorelie Geronimo - Pacquiao dumalo sa Serbisyong Heneral na ginanap sa Barangay Bula, ngayong araw, October 17,2022.
Ang Serbisyong Heneral ay pinangasiwaan ng City Mayor's Office - Integrated Barangay Affairs (CMO-IBA) na pinangunahan ni Mr. Leonardo Betonio Division Chief ng CMO-IBA.
Layunin ng Serbisyong Heneral na dalhin ang mga serbisyo ng lokal na pamahalaan sa komunidad.
Ito ay isa sa mga prayoridad ni City Mayor Pacquiao para mas mapadali ang paghatid ng serbisyo sa mga nangangailangan.
Isa sa mga inaabangan ng bawat barangay ay ang " Mayors Hour". Ito'y isang parte ng programa, upang mapaabot ang mga dapat aksyonan na mga problema ng Barangay.
Sa kanyang mensahe ay pinasalamatan ni City Mayor Pacquiao ang mga dumalo at mga partner ng lokal na pamahalaan upang maisakatuparan ang programa.
"Padayon lang kita magtinabangay, padayon suportaran ang liderato", kay kini siya para gyud ni sa katawhan sa Barangay Bula", ani Mayor Pacquiao.
Nagbigay rin ng pasasalamat sa pamilyang Pacquiao ang Kapitan ng Barangay Bula na si Hon. Nicanora Vargas.


















